Bakit kaya may mga taong ang iniisip lang ay ang kapakanan nila. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao?
Bakit kaya may mga taong ang laging paksa ng usapan ay ang buhay ng iba?
Bakit kaya may mga taong nabubuhay dahil sa buhay ng iba?
Bakit kaya pa iba-iba ang panahon ngayon?
Bakit kaya may mga taong akala mo kaibigan mo yun pala hindi?
Bakit kaya may mga taong kapag kaharap ka mabait sayo, pero tinitira ka ng talikuran?
Bakit kaya may mga taong kapag nagsalita akala mo sila ang diyos?
Bakit kaya wala ako sa mood ngayon?
Bakit kaya may mga taong utos lang ng utos, pero di mo sila mautusan?
Bakit kaya may mga taong salita na lang ng salita. Hindi iniisip kung nakakasakit na sila ng damdamin ng iba?
Bakit kaya may mga taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid?
Bakit kaya may mga taong ang daling resolbahin ang problema ng iba, pero sariling problema di magawang solusyunan?
Bakit kaya may mga taong akala mo laging maraming ginagawa, pero wala naman?
Bakit kaya may mga taong tinulungan mo na, ginagago ka pa?
Bakit kaya may mga taong mahal mo pero ayaw sayo, di mo naman mahal pero me gusto sayo?
Bakit kaya may mahirap at mayaman. Bakit di nalang puro mahirap o puro mayaman?
Bakit kaya kapag sobrang ganda mo pewede kang artista, kapag sobrang pangit mo pewede ka ring artista? Bakit kapag simple lang ang gando mo o hindi ka gaanong pangit hindi ka pwedeng artista?
Bakit kaya may mga taong mahilig kumanta kahit wala sa tono?
Bakit kaya may mga taong ayaw na pinakikialaman sila?
Bakit kaya may mga taong ang gusto lagi silang bida?
Bakit kaya maraming tanong kung bakit?
Bakit kaya? Bakit nga kaya?
Ah ewan ko basta ako di ko alam kung bakit. Kasi yang mga bagay na yan na walang kabagay bagay ay di dapat ibagay sa mga bagay na may bagay. Sapagkat ang mga bagay na may bagay ay di mo pwedeng ibagay sa mga bagay na walang kabagay bagay. Dahil magkaiba ang mga bagay na walang kabagay bagay sa mga bagay na may bagay.
Hindi na napigilan ni Sen John O. na mag-ingay kaugnay sa umano'y dayaan sa nakaraang eleksyon bagaman at kumandidato siya sa ilalim ng koalisyon na binuo ng administrasyon.
Naghain sya ng petisyon para kuwestyunin ang proklamasyon ng kasamahan din sa adminstrasyon koalisyon na si Sen. Pong Biazon bilang ika-12 sa mga nanalong senador. Kinuwestyon ng senador sa canvassing ng Kongreso at tinangkang harangin ang pagbibilang ng certificate of canvass mula sa Cebu dahil sa umano'y naganap na dayaan dito.
Walang pinag-iba ang ginawa ni Osmena sa naging reaksyon ni Pong matapos na kwestyunin ng kasamahan din nilang si Sen. Robert Barbers ang proklamasyon ng dating heneral. Nagbanta pa si Pong na isiswalat nya ang mga nalalamang iregularidad sa presidetial at vice presidential elections kapag binawi ang kanyang proklamasyon.
Lumilitaw tuloy na sila ay may pansariling interes sa kanilang mga ginagawa. Nanahimik noong una, subalit ng makitang nasa balag ng alanganin ang kadidatura ay biglang kung anu-ano na ang mga pinagsasasbi.
Hindi sila makakatulong para malaman kung talagang nagkaroon ng dayaan kung may halong pansariling interes ang ginagawa nilang pagsasalita. Kung talagan may daayan dapat ay noon pa nila ito inilantad sa publiko kasabay ng ginagawang protesta ng oposisyon kahit na sila ay nasa panig ng administrasyon.
Paano paniniwalaan ngayon si John O. gayong nakikitang may mas malalim na dahilan sa kanyang pagsesentimiyento sa canvassing ng Kongreso?
Naging epektibo ang texting para sa mabilis na komunikasyon sa bansa. Kaya naman tinawag na texting capital of the world ang Pilipinas. Mahal kasi ang uri ng komunikasyon sa ating bansa.
Noong wala pa ang texting, tanging mayayaman lamang ang may access sa magandang komunikasyon, pero dahil sa text, maging ang mga mahihirap ay madali ng makita ang kanilang hinahanap at maipadala ang kanilang mensahe.
Ang EDSA II ay nagtagumpay dahil sa text. Sapagkat ng dahil sa text ay napuno kaagad ng mga tao ang EDSA Shrine na naging dahilan para mapatalsik sa pwesto si dating pangulong Joseph Estrada.
Subalit nalungkot ang lahat nang ipaalam ng mga cellphone companies na kanilang itataas ang singil sa text messaging sa P2.50 mula sa dating P1.00 simula sa Hulyo 1 taong kasalukuyan.
Hindi natin masisisi ang mga kumpanya ng mga cellphone sapagkat maging sila ay tutol sa gagawing hakbang na ito. Sapagkat malamang na mababawasan ang kanilang kita dahil tiyak na magtitipid na ang mga tao lalo na ang mga mahihirap na subscribers sa pagpapadala ng text simula sa Hulyo.
Ang dapat nating sisihin sa pagtataas ng presyo ng text ay ang ating gobyerno. Inutil ang mga kinauukulan na makolekta ang tamang buwis dahil pinamumugaran ng mga kurakot ang mga ahensyang nangongolekta ng buwis tulad ng BIR at BOC. Hindi kaya ng gobyerno na tagpasin ang leeg ng mga kurakot sa dalawang ahensyang ito, kaya ang mga mahihirap na lamang ang kanilang papatayin.
Ang hirap naman kasi sa ating gobyerno, tanging ang mga maliliit lang ang kinakaya kaya nila pero ang mga tunay na buwaya at mga tiwaling negosyante ay hindi nila magalaw. Laging api ang mga mahihirap.
Bakit tayong mahihirap ang nagdudusa sa palpak na pangongolekta ng buwis. Samantalang tayong mga karaniwang manggagawa ang pinakamalaking taxpayer sa bansa ngayon.
At ano naman ang garantiya ng gobyerno na ang idadagdag na halaga sa bawat text message na ipapadala natin ay hindi mapupunta sa corruption? Talagang mahirap ang maging mahirap.
Hay!!! buhay nga naman. Lahat na lang tumataas. Pwera na lang unano. At saka sweldo. Buti pa mantika pababa ng pababa. Kasi dati pag bumili ka ng P5 na mantika, puno ang isang boteng lapad. Ngayon ang P5 mantika 1/3 na lang ng boteng lapad.
Kelan kaya yayaman lahat ng mahihirap na tao sa Pilipinas. Baligtarin kaya natin ang tatsulok. Kung sino nasa ibabaw ngayon, sya nating ilagay sa ilalim. Siguro pagdating ng araw ganito din sentimyento nila.
Kaya ako di tumitigil na mangarap kahit gising. Para kahit sa pangarap man lang eh mayaman ako.
Ganito din kaya sentimyento nyo? Nagtatanong lang po.
A businessman was interviewing applicants for the position of divisional manager. He devised a simple test to select the most suitable person for the job. He asked each applicant the question, "What is two and two?"
The first interviewee was a journalist. His answer was "twenty-two."
The second applicant was an engineer. He pulled out a calculator and showed the answer to be between 3.999 and 4.001.
The next person was a lawyer. He stated that in the case of Jenkins v. Commr of Stamp Duties, two and two was proven to be four.
The last applicant was an accountant. The businessman asked him, "How much is two and two?"
The accountant got up from his chair, went over to the door, closed it then came back and sat down. He leaned across the desk and said in a low voice, "How much do you want it to be?"
Nagpalabas na ng kautusan ang Comelec First Division na maaari nang iproklama bilang bagong gobernador ang nanalong kandidatong si Grace Padaca. Napagtanto ng Comelec First Division na nagkamali sila sa pagpapalabas ng TRO at ito naman ay inamin nila. Mabuti naman at nakikinig na sila sa opinyon ng publiko at siguro sa kanilang konsensya na rin. Ang pag-amin ng pagkakamali at pagtutuwid nito ay isang pamantayang ng isang matinong tao.
Subalit humihirit pa rin ang mga Dy sa Supreme Court. Nilalakad ng kampo ni Dy ang diskwalipikasyon ni Padaca dahil suportado at ikinakampanya daw ito ng NPA. Ayon sa petisyon, tinatakot at ginagamitan ng terorismo ang mga mamamayan ng Isabela paramapilitang iboto si Padaca. Sapagkat sinasabi nila na si Grace Padaca ay manok ng CPP. Hindi biro ang alegasyong binitawan ni Dy. Ayon sa kanya, unti-unting pinapasok at kinokontrol ng grupong CPP ang pulitika sa bayan ng Isabela. At dapat lamang daw mabahala ang pamahalaan sa kakaibang estratihiya na ipinamamalas dito sa bayan ng Isabela at marahil sa iba pang parte ng bansa. Pagbibigyan kaya si Dy ng mga mahistrado?
Dy ko alam. Ang pulitika talaga, kapag natalo dinaya at kung anu-anong masasamang salita ang ibabato sa kalaban. Bakit di nalang nya ipagpatuloy ang pagtulong sa mga Isabelenos kahit wala na sya sa pwesto, kung talagang mahal nya ang kanyang lalawigan.
Pagkatapos umangal ng Korte Suprema sa GSIS noong isang linggo, nagrereklamo na din si Acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez laban sa Government Service Insurance System (GSIS). Magkatulad ang kanilang problema Pareho nilang natuklasan na may kung ilang taon na ang nakakaraan ng huling maiupdate ng GSIS ang rekord ng mga empleyado ng kanilang departamento. Inayos na nila ito sa naturang ahensya subalit huli pa rin ang mga datos ng GSIS para sa mga empleyado ng dalawang tanggapan.
Isang halimbawa pa rin ng kapalpakan ng GSIS ay ang kaso ni Batangas City Prosecutor Mario Atienza na may 29 taong naglingkod sa pamahalaan. Nang magretiro ito ay natuklasan niya na ang nakarekord sa sahod niya sa database ng GSIS ay P4,000.00. Kayat ang naging resulta nito'y hindi nya ngayon mapakinabangan ang kanyang mga benepisyo na dapat sana'y tinatamasa na niya sa kanyang pagretiro bilang bunga ng mahabang taon ng paglilingkod sa bayan.
Ito ba ang makabagong sistema na ipinagmamalaki ng GSIS sa mga anunsyo nila? Sayang lang ang ginastos na pondo ng gobyerno sa pag-aanunsyo ng kanilang modernisasyon gayong may malaki pala silang problema sa datos ng kanilang mga miyembro na pawang empleyado ng gobyerno.
Kung ang isang piskal ay inabot ng ganitong kapalpakan ng GSIS, ano pa kaya ang ibang empleyado ng gobyerno? Baka ang gusto nilang mangyari ay magsama-samang kumilos lahat ng empleyado ng pamahalaan para muling hilingin na siya (Gen. Manager Winston Garcia) ay pamatalsik sa pwesto at magtagumpay na sa pagkakataong ito.